110 Oras
Isang pagbati muli kabayan.
Nasubukan mo na bang nagtrabaho ng isang daang oras at sampo?
Hindi dalawang linggo, sa isang linggo lang?
Tama, sobrang haba ng pagtatrabaho at nakakapagod.
Yung tipong mangiyak ngiyak ka na at matatanong mo na lahat kung bakit mo kailangang gawin ang mga oras na yan.
Weh, di nga, paano? Para sa mga nakagawa na at alam ko yung mga nagtatrabaho sa restorant at catering, naranasan na ito.
Alam ang aking sinasabi. Galing na ako diyan. Totoo yan, ilang salita na maririnig mo sa kanila. Dahil, isa na ako diyan.
Pero huwag kang matakot kabayan, sa umpisa lang naman iyan.
Pagkatapos ng mahabang oras, ngingiti ka naman pagkakuha mo ng sahod.
Ngunit, hanggang kailan mo gustong gawin ang mga oras na iyan? Hanggang sa kaya pa ng katawan mo?
May mga paraan para kumita ng kapareho ng kikitain mo sa pagtatrabaho ng isang daan at sampung oras kada linggo na parang naglalaro ka lang.