Ang Timwork

May mantsang kubyertos.

Maaari mo bang gamitin ang mga tinidor at kutsilyo sa itaas para sa iyong mga kostumer?

Itong mga kubyertos na ito ang mga ginagamit ng mga porener sa kanilang pagkain, konting kaibahan sa ating mga Pinoy na kutsara at tinidor ang kadalasan nating ginagamit.

Isang halimbawa ng larawan sa itaas na pwedeng ihalintulad sa salitang timwork (team work). Lahat nang trabahador naiintindihan ang salitang yan, may mga ilan namang sumusunod diyan pero meron at meron paring iilan ang hindi gumagawa.

Bakit kaya?

Kung may katrabaho kang puro reklamo, umiwas ka na. Isumbong sa iyong bisor o kung kaya mong kausapin ang tao na ito, gawin mo.

Huwag kang mag alala, hindi ka nagkakalat ng tsismis, dahil karapat dapat lang na malaman ng bisor o manager kung ano ang nangyayari sa operasyon.

Kadalasan, ang nangyayari, sa katrabaho binabanggit ang mga ayaw sa ibang katrabaho.

Hindi ganyan ang paggawa ng timwork. Nagkakaroon lang ng hatian ng atensyon at diyan nagsisimula ang politiks sa isang kompanya.

Kung isa ka sa mga nakakaranas ng ganito, simulan mong magsalita.

Nabasa mo na ang sinabi ko nung una, kung ang pagbabago ay maganda, huwag kang manghinayang at matakot.

Lahat ng bagay na nangyayari, may dahilan at magalak kang kasama ka sa pagbabago.

Basta para sa ikauunlad ng negosyo, ayos yan kabayan.

Tandaan mo lagi, ang magagawa mo sa isang kompanya ay adbantahe mo sa ibang bagay personal.

Walang makakakuha niyan mula sa iyo, at pagtibayin pa at pagbutihan para mas mabilis na makamit ang minimithi mong promosyon.

Huwag mong ikompara ang sarili mo, pilitin mong maging kakaiba. Yan ang magdadala sa iyo kung saan mo gustong pumunta.

Kung may katanungan ka, sali ka sa aking adbokasiya. Tulungan tayo kabayan.

Sali na.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s