Bakit Tagalog?

Tulad ng sinabi ko, mahigit isang dekada na ang aking pagtulong sa mga banyaga.
Natulungan ko na ang kompanya nila, ang mga katrabaho kong galing din sa iba’t ibang panig ng mundo at mga lokal ng bansang aking pinagsisilbihan.
Ngayon, mga kapwa ko naman Pilipino ang aking tutulungan. Saan mang panig ng mundo nasaan ka kabayan, kung gusto mong makipagsapalaran sa larangan ng pagiging serber o tagaluto o mag manage ng restorant. Nasa tamang pahina ka.
Kung hindi mo pa ito nakikita, iklik lang ang boton sa ibaba.
Sa susunod na mga post, maaari tayong mag taglish o kaya para sa mga kababayan nating lumaki sa ibang bansa na gustong makipag usap sa salitang Inglis, pwede rin tayo diyan.
May isa lang akong kahilingan kabayan, kung may kakilala kayong nagtatrabaho na sa restorant na hindi masaya sa kanilang trabaho, o gustong sumabak sa ganitong trabaho, paki anyayahan lang silang makinig sa ating usapan. Baka ito na ang hinihintay niyang makakapag pabago sa kanyang buhay.