Bakit napakahalaga ang numero sa pagpapalakad ng isang negosyo?
Kahit anong klase ng negosyo, ito ang isang tinitignan ng may ari at mga manager. Binabantayan ito dahil, ito ang nagpapatunay kung ang negosyo ay kayang tumayo sa sariling kita at kung may potensyal pa bang mapalago o magbukas ng ibang pwesto.
Ito sa mga ilang bagay kung saan makikita ang mga porsiento at pwedeng ikontrol.
- Paggawa ng preperasyon mula sa sibuyas, luya at iba pang ingrediyens. Paglalagay ng saktong sukat ng inumin para maging konsistent ang lasa, hanggang sa pag timbang ng karne para malaman kung ilang porsyon ang magagawa sa isang kilo ng baka.
- Oras ng empleyado mula pagbubukas, hanggang sa pagsara ng restorant. Hindi mo kailangan ng limang tao kung kaya namang gawin ng tatlo lang. Kung gusto mong matuto kung paano gawin ito, iklik itong link na ito.
- Isang madalas na hindi napapansin ng mga manager ay ang konsumpsyon ng kuryente. Kailangan bang magbukas ng ilaw agad kung may kalahating oras kang kailangan magprepara. Kalahating oras sa isang linggo o anim na araw na bukas ang negosyo, napakalaking bagay ang iyong maisasantabi kung lahat ng bagay ay mabibigyan ng pansin.
Ilan lang ito sa mga bagay na maaaring ikontrol.
Ang porsiento ng mga konsumpsyon mo ay hindi dapat hihigit sa 31 porsiento. Isa pa sa mga ekspenses mo ay ang kuryente, renta at mga utang na binabayaran at mga tax.
Sa labor mo naman, dapat ganun din at kung mas mababa pa, mas mainam.
Kung may katanungan ka, mag klik lang dito.