Isa sa mga bansang dinadayo ng mga porener ay ang bansang Pilipinas.

Hindi lang ito dahil sa tropikal na klima ngunit nasa bansa din natin ang ilan sa mga pinakamagandang mga dagat at resorts. Idagdag na natin ang ating kultura na parating naka ngiti, at bukas palad na tanggapin ang mga porener, sila man ay nagbabakasyon lamang o nakapangasawa na ng ating kababayan. O madalas, naka base na dito sa ating bansa.

Ang turismo ay isang malawak na industriya. Mula sa ating mga paliparan, magandang daan para mabilis ang pagbiyahe, mga kainan na kakaiba at lokal, mga kaaya ayang tirahan at isama na natin ang pagkontrol ng basura para mapanatiling maganda ang tanawin sa kapaligaran.

Ito ay magandang oportonidad para sa bansa, para sa mga negosyante at lalo na sa ating mga kababayang dito umaasa.

Bakit hindi natin pagtibayin ang industriya ng kainan, mula sa trabaho sa kusina, bartender at mga serber? Paano natin ito gagawin? Samahan mo ako sa aking kampanya para dito.

Para ito sa mga kababayan nating gusto pang payamanin ang kaalaman sa industriya ng pagkain at inumin.

Sama na, mag klik dito.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s