
Sa panahon ngayon, napaka importante ang isang listahan.
Ano ang mga dapat mong ilista?
Upang maging maayos ang skedyul mo sa isang araw, kailangan mo ng isang listahan ng mga gagawin. Ito ay mga aktibidades mo sa isang araw at kung ilang oras mo kailangan itong matapos. Hindi lang naman skedyul lang ang pwede mong ilista. Pwede kang maglista ng iyong mga bilihin sa grocery, o kaya naman mga listahan ng mga kailangang bayaran sa katapusan o mga listahan ng iba pang bagay na importante sa iyo. Halimbawa ng listahan ng mga gagawin sa isang araw:
6:00 am – Maglinis ng bakuran o magdilig ng halaman
7:00 am – Magkape, o mag almusal
8:00 am – Opisina
10:00 am – Miting kay ” “
11:30 am – Pananghalian
12:30 pm – Kunin ang papel sa BIR
2:00 pm – Miting sa negosyanteng ” “
3:30 pm – Sunduin si Junior
5:00 pm – Mag grocery
6:00 pm – Maghapunan
7:30 pm – Magbasa ng libro
10:00 pm – Matulog
Labing anim na oras mula umaga hanggang gabi at may walong oras kang matulog. Itong listahan na ito ay dumedepende sa trabaho, posisyon at estado ng buhay, ngunit itong simpleng listahan na ito ay maaaring gamitin ng sinuman upang maisaayos ang mga aktibidades sa isang araw. Maaari rin itong gawin lingguhan o buwanan.
Saan pwedeng maglagay o magsulat ng listahan?
Kahit sa maliit o malaking malinis na papel, sa mga kalendaryo ng mga telepono tulad ng nakikita mo sa itaas o ano pang klase ng papel na pwede mong pagsulatan at nakikita upang masundan at maging produktib ang iyong araw.
Ang maganda nito, pwede mong simulan at pag isipan kung nakakatulong ito sa iyo. Isa lang ang masasabi ko, lahat ng mga taong gumagawa ng listahan ay nagsasabing napaka produktib ng kanilang araw ang nag eenjoy pa sila sa mga extrang oras na nakalaan para sa kanilang araw.
Kung may katanungan ka, magkomento lang sa ibaba o magsend ng liham sa aking personal na email dito.