Ang aking Payo
Sa anumang trabahong gusto mong pasukan, ano sa tingin mo ang natatangi mong taglay para makapasok agad ng trabaho?
Muli, nagsisimula ang konbersasyon sa isang tanong.
Para sa mga kabataan, ang una kong payo ay ang maging seryoso at honest ka sa iyong sarili. Magpakatotoo ka at kung hindi ka sanay sa pakikipag usap, dapat ay sanayin mo nang matuto at maaari kang mag demo sa harap ng salamin o mas maiigi, kausapin ang kaibigan o pamilya at ipaliwanag na gusto mong mag aplay ng trabaho at gusto mong mag praktis.
Para naman sa mga eksperyensadong nagbabalik sa industriya, sa tingin ko hindi na isyu sa iyo ang pag interbiyu. Alam mo na ang iyong isasagot at kasama pa na kailangan makita ng interbiyuwer na alam mo ang sinasabi mo o praktikal. Isa sa mga maaaring itanong ay, kung gusto mo pang matuto ng mga bagong paraan para mas mapadali ang trabaho at kung paano mapapabuti ang pagsilbi sa mga kostumer.
Para sa mga may ari ng restorant, paano makakakuha ng tapat at seryosong empleyado? Mapa manager o taga luto o serber, isa sa mga dapat isaalang alang na tingnan ang karakter ng isang tao. Sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong at ang pinakamahalaga ay ang pagtingin ng iyong ini interbiyu mata sa mata. Ito ang isang basehan kung bakit maraming mga restorant ang hindi nagwawagi o nagiging saksesful.
Itraining ang mga taong mabuti kung paano mo gustong patakbuhin ang iyong negosyo para pagdating ng panahon, tatakbo ang iyong negosyo kung kailangan mong magbakasyon.
Kung gusto mong makabasa pa ng ibang mga payo, pumunta lang dito sa link na ito.